COVID-19 reproduction number, bumaba na sa 1.19

Mula sa 1.23 noong isang linggo ay bumaba na ngayon sa 1.19 ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region.

Batay sa projection ng OCTA Research, ito ay bunsod na rin ng mahigpit na implementasyon ng quarantine sa NCR Plus Bubble kung saan posibleng maabot na sa susunod na linggo ang 1.1 na reproduction rate o bilang ng nahahawa ng virus.

Pero sa kabila nito, nagbabala ang OCTA na hindi pa rin dapat magpakakampante o magpabaya ang publiko sa laban sa virus.


Sa interview ng RMN Manila. Sinabi ni OCTA Research Fellow Prof. Ranjit Rye na tumaas ang fatality rate ng COVID-19 sa NCR nitong nakalipas na dalawang linggo na umabot sa 5.36 percent.

Binigyan-diin din ni Rye ang kahalagahan ng pagpapabakuna upang maiwasan ang panganib ng COVID-19.

Facebook Comments