COVID-19 reproduction number sa NCR, bumaba sa 0.50 —OCTA

Bumaba sa 0.50 mula sa 0.63 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, bumagal ang downward trend ng kaso sa nakalipas na apat na araw pero ang new cases ay mauugnay pa rin sa projection nitong Enero 20.

Naitala rin ng OCTA ang one-week growth rate ng bagong kaso ng COVID-19 sa NCR sa negative 69% habang bumaba naman ang seven-day positivity rate sa rehiyon sa 21%.


Ang positivity rate ay tumutukoy sa mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa bilang ng mga indibidwal na sinusuri.

Dagdag pa ni David, ang Metro Manila ay maaari ng mailagay na sa moderate risk ng COVID-19 ngayong araw.

Facebook Comments