Mga senior citizen na may edad na 90 hanggang 99 anyos at 101 taong gulang pataas, makakatanggap ng ₱10,000 birthday cash gift sa Mandaluyong City

Inihayag ngayon ng Mandaluyong City Government na makatatanggap ng ₱10,000.00 birthday cash gift ang mga senior citizen sa Mandaluyong City na may edad 90 hanggang 99 at 101 taong gulang pataas.

Ito’y matapos na ipasa ng Sangguniang Panglunsod ang Ordinance no. 871 series of 2022 para sa cash gift ng mga residente nilang senior citizen.

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, kinikilala ng Mandaluyong City ang mahalagang papel, kontribusyon at partisipasyon ng elderly sector para sa pagtataguyod at pag-unlad ng lungsod.


Layon din ng ordinansa na makatulong sa gastusin sa pagpapagamot at iba pang mga medication ng mga senior citizen na mas madaling kapitan ng sakit lalo ngayong pandemya.

Facebook Comments