COVID-19 reproduction number sa NCR, nananatiling steady – OCTA

Nananatiling steady ang reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila na nasa 1.12

Ang reproduction number na 1 o mataas pa ay nangangahulugang patuloy na kumakalat ang COVID-19.

Ayon sa OCTA Research Group, ang trend ng bagong kaso sa Metro Manila ay nananatiling nasa upward trend para hindi pa rin nagbago mula noong mga nagdaang mga linggo.


Mula January 10 hanggang 16, ang mga eksperto mula sa National Capital Region ay nakapagtala ng average na 430 infections araw-araw mula January 10 hanggang 16, na 46% na mataas sa average na naitala noong holiday season.

Ang positivity rate ay nananatili sa 4%, mababa sa 5% benchmark ng World Health Organization (WHO).

Samantala, tumataas ang daily cases ng COVID-19 sa Benguet kung saan nasa 2.06 ang reproduction number at ang daily attack rate ay nasa 9.8 per 100,000 katao.

Mayorya ng mga bagong kaso ay mula sa Baguio City habang ang nalalabi ay mula sa La Trinidad, Mankayan at Itogon.

Ang daily positivity rate sa Benguet ay nasa 21% mula nitong January 15.

Facebook Comments