COVID-19 reproduction number sa NCR plus bubble, bumaba na sa 1.23

Bumaba na sa 1.23 ang COVID-19 reproduction number sa mga lugar na nasa loob ng NCR bubble.

Ayon sa OCTA Research Group, bago pa man ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay nasa 1.88 ang reproduction number sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Ibig sabihin lamang nito ay naging epektibo ang pagsasailalim sa pinakamahigpit na lockdown at posibleng makita na sa susunod na linggo ang pagbaba ng trend ng mga nagpopositibo sa virus.


Kaugnay nito, inirerekomenda naman ng OCTA na palawigin pa ulit ng isa pang linggo ang ECQ para matiyak na magkakaroon ng decongestion sa mga ospital.

Pero anila, kung hindi na kakayanin dahil sa pagtigil ng ekonomiya ay maaari naman na ibaba sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang ipatupad dito sa loob nang dalawang linggo.

Facebook Comments