Tumaas sa 1.06 ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Batay sa OCTA Research Group, tumaas ng 11 porsyento ang bagong kaso sa NCR kung saan nasa 700 ang naitatalang kaso kada araw sa nakalipas na apat na linggo.
Paliwanag ng OCTA, bagama’t nakakabahala, hindi pa ito dapat ikaalarma lalo na’t hindi pa matutukoy kung magpapatuloy ang pagtaas ng trend ng mga kaso.
Ang pinakamataas na nakapagtala ng reproduction number ay ang Makati at Maynila na umaabot sa 1.4.
Habang ang ibang local government na nakitaan din ng pagtaas ng kaso ang Valenzuela, Pasay, Marikina at Parañaque.
Nanatili naman sa “very high risk” sa virus ang Mariveles, Batanes.
Habang “high risk” naman ang Davao City, Cebu City, Bacolod, Iloilo City, Makati, Cagayan de Oro, Baguio City, General Santos, Laoag, Lapu Lapu, at Butuan.