Inilabas ng Philippine Red Cross (PRC) ang isang COVID-19 response app na RC143 na magbibigay impormasyon at babala sa gagamit nito para sa kaniyang level ng exposure.
Libre ang paggamit ng app para sa lahat ng Globe at TM users at hindi mababahala ang users sa kabawasan nito sa kaniyang data.
Naglalaman ang app ng wireless geo-location at sensory capabilities ng phone tulad ng Bluetooth at GPS.
Mayroong color-coded exposure risk meter ang RC143 app kung saan green ang kulay para masabing ligtas ka sa COVID-19.
Dilaw kung may moderate exposure sa pasyente o na-exposed sa indibidwal na may close contact sa isang positibo sa COVID-19 case.
Lalabas naman ang kulay orange kung ang user ay may contact sa COVID-19 patient at red warning kung ang user ay kumpirmadong positibo sa virus.
Layon ng RC143 app na matulungan ang gobyerno sa isinasagawa nitong contact-tracing at maprotektahan ang mga Pilipino laban sa sakit.
Para sa iba pang impormasyon, bisitahin lang ang official website ng Department of Health (DOH) at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
O magtungo sa https://www.globe.com.ph/ at sa https://rc143.voxptech.com/faq.