Nakikita ni Pangulong Rodrigo Duterte na maayos ang nagiging pagtugon ng Pilipinas sa COVID-19 pandemic kumpara sa ibang bansa.
Ito ang obserbasyon ng Pangulo matapos maitala ang mataas na bilang ng mga taong gumagaling sa COVID-19, batay sa report ni Health Secretary Francisco Duque III.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, tinawag ni Pangulong Duterte na ‘bayani’ si Duque sa paglaban sa pandemya.
Iginiit na ang dapat tingnan ng mga tao ay ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala ng 7,255 na bagong kaso, dagdag sa kabuoang bilang na nasa 1,062,225 COVID-19 cases ssa bansa.
Nasa 975,234 na ang gumaling sa sakit, habang nasa higit 17,000 ang namatay.
Facebook Comments