COVID-19 saliva testing, pinag-aaralang isama sa benefit package ng PhilHealth

Sinisilip na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang posibilidad na isama ang saliva test bilang bahagi ng COVID-19 benefit package.

Ayon kay PhilHealth President Dante Gierran, magpupulong ang board ngayong araw para talakayin ito.

Kabilang sa mga tatalakayin ang mga isinagawang pag-aaral at rekomendasyon sa presyo ng testing.


Una nang sinabi ng Philippine Red Cross (PRC) na hindi nila maaaring isingil sa PhilHealth ang saliva test dahil wala pang benefit package para dito.

Ang COVID-19 saliva test ay magiging available sa lahat ng laboratoryo ng PRC sa buong bansa sa Pebrero 1.

Nagkakahalaga ito ng 2,000 pesos, mas mura sa RT-PCR swab test.

Facebook Comments