COVID-19 situation sa bansa, posibleng lumala pa kung hindi nagpatupad ng travel restrictions ang Pilipinas

Posibleng mas lumala pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa kung hindi nagpatupad ng travel restrictions ang bansa laban sa United Kingdom.

Ito ang binigyan diin ni dating National Task Force on Covid-19 Adviser Dr. Tony Leachon kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang suspendehin lahat ng flights mula sa UK dahil sa banta ng bagong strain ng COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila kay Dr. Leachon, ipinaliwanag nito na ang new COVID-19 strain mula sa UK ay nasa 70 percent ang rate ng transmittable kung saan 62 percent ang na-ospital sa populasyon sa London ay dahil sa bagong strain.


Sinang-ayunan din ni Leachon ang pahayag ni Dr. Anthony Fauci, director ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases na maaaring nakarating na sa Netherland, Denmark, Australia at Amerika ang new COVID-19 strain nang hindi nadi-detect ng mga eksperto.

Paliwanag ni Leachon, madaling mag-mutate ang isang virus hangga’t walang bakuna na naituturok sa publiko laban dito.

Bunsod nito, posibleng mahirapan ang bansa kung aabot ang bagong strain sa Pilipinas lalo na’t wala pa tayong bakuna para sa COVID-19.

Facebook Comments