COVID-19 Situation sa Cagayan Valley, Malapit na sa ‘Low Risk’- DOH region 2

Cauayan City, Isabela- Iginiit ni DOH-2 Regional Director Dr. Rio Magpantay na malapit ng makategorya sa low-risk area ang Cagayan Valley kung patuloy na masusunod ang minimum health standard protocol.

Ito ay sa kabila ng bahagyang bumaba sa 5% ang growth change habang 1.41 ang daily attack rate kung kaya’t nasa moderate risk na ang rehiyon sa usapin ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Magpantay, may ilang piling lugar at bayan ang hindi pa maayos ang sitwasyon pagdating sa COVID-19 pero sa kabila nito ang mga bayan na nakapagtala noon ng matataas na kaso ay unti-unting ng bumababa ang bilang.


Sa usapin naman ng positivity rate, nasa ‘stagnant’ pa rin ang sitwasyon ng rehiyon kaya’t kinakailangan na maibaba pa sa 5% ang mga nagpopositibo sa virus.

Samantala, inaasahan namang darating sa susunod na linggo ang nasa 5,312 doses ng Sinovac vaccine na gawa ng bansang China na ilalaan sa Top 6 Hospital para sa mga frontliners na kinabibilangan ng Cagayan Valley Medical Center, Southern Isabela Medical Center, Region 2 Trauma and Medical Center, Tuguegarao City People’s General Hospital, PNP Hospital; at DOH-Batanes General Hospital.

Ayon pa kay Dr. Magpantay, initial doses lamang ito para sa higit kumulang 15,884 na priority list na mabakunahan.

Sa katunayan, 15,000 doses ng bakuna ang inaasahan sanang dumating sa rehiyon subalit dahil sa pagkaantala ng bakunang Astrazeneca ay tumukoy lamang sila ng mga hospital na tumatanggap ng COVID-19 patients.

Tiniyak naman ng opisyal na handing-handa na ang mga hospital na mag-administer ng COVID-19 vaccine habang kakailanganin namang bantayan ng mga Rural Health Unit ang mga taong nabakunahan nito.

Facebook Comments