Cauayan City,Isabela- Nananatili nalang sa “moderate” ang epidemic risk classification sa lalawigan ng Isabela, ayon sa Provincial Health Office.
Inihayag ni Assistant Provincial Health Officer Dr. Arlene Lazaro na ito ay dahil nasa 3, 602 na lang ang COVID-19 active cases batay sa pinakahuling datos (as of October 20, 2021).
Aniya, ang mga fully-vaccinated Isabeleños ay nasa 12.5% mula sa kabuuang projected population.
Samantala, inihayag naman ni PDRRMO Jimmy Rivera ang 2022 Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF) ng probinsya maging ang kabubuong PDRRMC Executive Committee batay sa Executive Order No. 30-2021 na nilagdaan ni Governor Rodito Albano III.
Facebook Comments