DOJ, wala pang natatanggap na request mula sa Senado para hanapin ang magkapatid na Dargani ng Pharmally Corp.

110

Wala pang natanggap na request ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa mungkahi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hingin ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Philippine National Police (PNP) sa paghahanap sa magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani.

Ang magkapatid na Dargani ay pangulo at treasurer ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na na-contempt at ipinaaaresto ng Senado.

Ito ay dahil tumaggi sila na iprisinta sa Senate hearing ang financial records ng Pharmally.


Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hihintayin muna niya ang liham ng Senado bago niya atasan ang NBI na tumulong sa pagtugis sa magkapatid na Dargani.

Hanggang sa ngayon kasi ay hindi pa rin matagpuan ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms ang dalawa na pinaniniwalaang nagtatago na.

Facebook Comments