COVID-19 situation sa Malaysia, mahigpit na babantayan ng pamahalaan – Roque

Tiniyak ng Malacañang na mahigpit na babantayan ng pamahalaan ang COVID-19 situation sa Malaysia na kasalukuyang nakakaranas ng surge ng COVID-19 infections dahil sa Delta variant.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III na pinag-aaralan nila ang posibilidad na isama ang Malaysia at Thailand sa travel ban.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpapatuloy ang kanilang monitoring sa mga nangyayari sa Malaysia.


Bukod dito, sinabi rin ni Roque na hindi sila na-‘late’ sa paglalabas ng travel restrictions para sa Indonesia.

Nabatid na umabot na higit 800,000 ang COVID-19 cases sa Malaysia habang higit 372,000 naman sa Thailand.

Facebook Comments