COVID-19 situation sa Metro Manila, gumaganda na; Pero 10 rehiyon, tumataas ang kaso

Nasa “moderate risk” na ang Metro Manila sa banta ng COVID-19.

Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III sa public address kanina sa Malacañang kasabay ng pagkumpirma na bumababa na ang COVID infections sa Metro Manila at apat na kalapit lalawigan.

Ayon kay Duque, bumagal na ang paglaki ng kaso o COVID-19 growth rate sa National Capital Region (NCR) mula noong May 2 hanggang May 15 kung saan nasa 13.44% na lang ang average daily attack rate mula sa dating 24.9%.


Pero sa kabila ng pagganda ng sitwasyon sa Metro Manila, sinabi ni Duque na may mga pagtaas naman ng COVID-19 cases sa Zamboanga Peninsula, Mimaropa, Caraga, Northern Mindanao, Soccsksargen, Bicol Region, Davao Region, Eastern at Western Visayas at Bangsamoro.

Facebook Comments