Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ng isa pang taon ang COVID-19 state of calamity sa bansa.
Tatagal ang state of calamity hanggang Setyembre 12, 2022 maliban na lamang kung alisin o palawiging muli.
Ayon kay Pangulong Duterte, epektibo ito sa lahat kabilang ang nasyonal at lokal na pamahalaan kasabay ng patuloy na pagsasagawa ng COVID-19 vaccination program ng gobyerno.
Sakop nito ang pagpayag sa pamahalaan na gamitin ang mga nararapat na pondo gaya ng Quick Response Fund, pag-monitor at pagkontrol sa presyon ng ilang pangunahing bilihin at pagbibigay ng pangunahing pangangailangan sa mga apektadong populasyon.
Ipinag-utos din ni Duterte sa lahat ng law enforcement agencies sa tulong ng Armed Forces of the Philippines na panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa mga maaapektuhang lugar.