COVID-19 surge, posibleng maranasan muli sa Hunyo o Hulyo

Posibleng magkaroon muli ng COVID-19 surge sa buwan ng Hunyo at Hulyo.

Ito ang naging babala ni National Task Force Against COVID-19 at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., kasabay ng paalala na hindi pa tapos ang krisis sa COVID-19.

Paliwanag ni Galvez, mali ang akala ng marami na tapos na ang COVID-19 crisis sa ibang bansa dahil posible itong bumalik anumang oras.


Sa kabila nito, tiniyak ni Galvez na pinaghahandaan na ng pamahalaan ang posibilidad na ito.

Samantala, inihayag ni Isolation Czar at Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar na sa katapusan ng Abril ay posibleng magamit na ang nasa 720 na bagong quarantine facilities o 26,259 na kama.

Nakapaloob sa nasabing bilang ang 634 units ng quarantine at isolation facilities na may 23,284 na kama; 60 units ng offsite dormitories na nakalaan para sa mga medical frontliners; 11 units para sa technical assistance at 15 units ng modular hospital na mayroong 516 na kama.

Ito aniya ay bilang dagdag sa kasalukuyang 9,734 Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMFs) na may bed capacity na 128,037.

Facebook Comments