COVID-19 surge sa NCR, patapos na ayon sa OCTA

46

Positibo ang OCTA Research Group na magiging maganda na ang Paskong darating sa mga Pinoy.

Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, naniniwala sila na patapos na ang COVID-19 surge sa National Capital Region.


Batay sa pagtataya ng OCTA, mula sa moderate risk ay nasa low risk na ngayon ang NCR.

Hindi na aniya aabot sa isang libo ang COVID-19 daily cases sa Metro Manila matapos na nakapagtala sila ng 3,120 na 7-day average.

Bunsod nito, sinabi ni David na unti-unti nang naipapanalo ng NCR ang laban nito kontra sa Delta Variant.

Facebook Comments