Nagbabala ang mga eksperto sa paglala ng COVID-19 surge sa Negros Island.
Ayon kay Dr. Julius Drilon, medical chief ng Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital, ang nag-iisang level 3 hospital sa Negros Island, bagama’t hindi pa nila nakikita sa ngayon ang COVID-19 surge, posibleng tumama naman ito sa kalagitnaan ng Oktubre.
Aminado si Drilon na kung magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng kaso sa Negros Island ay posibleng hindi na nila kayanin.
Aniya, sa ngayon ay na apatnaput limang medical workers na nila ang nagpositibo sa COVID-19 habang 75 na iba pa ang naka-quarantine.
Malapit na rin aniyang mapuno ang kanilang utilization rate.
Nabatid na nahaharap muli ngayon sa panibagong surge ng COVID-19 ang Bacolod City na parte ng Negros Island.