COVID-19 Survivor sa Isabela, Umaabot na sa Mahigit 57,000

28

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa mahigit 57,000 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa datos na ibinahagi ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Miyerkules, Nobyembre 24, 2021, mayroon ng 57,737 na ‘fully recovered’ sa COVID-19 kabilang na rito ang 97 na naitalang panibagong gumaling.

Sa kabila ng mga naitalang gumaling, nakapagtala pa rin ang probinsya ng 51 na bagong kinapitan ng virus.


Gayunman, bumaba pa rin sa 565 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya.

Nananatili naman sa 2,036 ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 dahil wala namang naitala ang probinsya na namatay ngayon sa nasabing sakit.

Sa kasalukuyan, nakapagtala na ang Lalawigan ng Isabela ng 60,338 na kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.



Facebook Comments