Government workers, “excuse” sa trabaho kapag nagpaturok sa National Vaccination Day

82

Maaaring ikonsiderang “excuse” sa trabaho ang mga empleyado ng gobyerno na magpapabakuna kontra COVID-19 sa tatlong araw na National Vaccination Day na magsisimula sa November 29.

Ito ang inanunsyo ng Civil Service Commission (CSC) alinsunod sa inilabas nitong Memorandum Circular No. 16 o ang “Interim Guidelines on Absences of Government Officials and Employees Due to COVID-19 Vaccination and/or Adverse Events Following Immunization (AEFI) of COVID-19 Vaccine”.

Pwede ring gamiting dahilan sa hindi pagpasok sa trabaho ang pagkakaroon ng adverse effect dahil sa pagpapabakuna.


Pero paglilinaw ng CSC, gagamitin ang sick leave credits kung liliban sa trabaho dahil sa adverse effects.

Facebook Comments