Suporta ng pamilya, dasal at pananalig sa panginoong maykapal.
Ito ang naging sandalan ng COVID-19 survivor na si John Emmanuel Bautista, isang Media Freelance Cameramen sa kaniyang laban kontra COVID-19.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni bautista na may mga oras na aminado siyang hindi na niya kayang lumaban pa at gusto na niyang sumuko.
Pero dahil sa ilang sitwasyon at bilang resulta na rin ng pagsailalim niya sa clinical trial at makatanggap ng gamot na Remdesivir, nakakita pa siya ng pag-asa na magpatuloy at lumaban para sa kaniyang mahal sa buhay.
Kaya payo niya sa publiko, sumunod sa ipinatutupad na alituntunin ng gobyerno dahil para rin ito sa ating kapakanan at kaligtasan.
Nabatid na May 25, 2020 nang magsimulang magkasakit si Jemil at nanatili ito sa ospital mula June 4, 2020 hanggang June 21, 2020 para magpagaling ngunit dahil sa tulong ng clinical trial, gumaling na ito at nakalabas na ng ospital.
Kaya sinasaluduhan ka namin Mr. Bautista, kasama ang lahat ng Radyoman dahil ikaw ay bayani ng bayan ni Juan.