DAGUPAN CIT, PANGASINAN – Kumonsulta na ang COVID-19 Task Force kay Dr. Jennifer Ann Mendoza-Wi, isang internal medicine at pulmonary disease expert, ito ay bilang paghahanda sa posibleng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Dagupan City.
Pinangunahan ng alkalde ang pagpupulong kasama sina Dr. Aurora Cuison (City Health Officer) at Dr. Ophelia Rivera (Focal Person ng COVID-19 Task Force).
Hiningi ang suhestyon ni Dr. Mendoza-Wi ukol sa mga karagdagang quarantine facility, pagpapabilis ng testing, at pangangalaga sa mga COVID-19 patient sa lungsod.
Bagamat walang kumpirmadong kaso ng Delta variant sa Dagupan City, pinaghahandaan na ito ng lungsod matapos kumpirmahin ng Department of Health na may community transmission na ng nasabing variant sa Metro Manila at CALABARZON.