MANGINGISDA NATAGPUANG PATAY SA BAYAN NG BOLINAO

BOLINAO, PANGASINAN – Bangkay na ng matagpuan ang isang trentay siyete anyos na mangingisda matapos itong tumalon mula sa kanilang bangka sa bayan ng Bolinao.

Ang biktima ay nakilalang si Olan Jimenez residente ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng PNP, nangingisda ang biktima kasama ang dalawang kasamahan nito sa bahagi ng baybaying sakop ng bayan ng Bolinao ng magkaroon ng mga malalakas na kulog at kidlat sa takot ng biktima ay tumalon ito.


Mula sa kanilang bangka kung saan ay kinaumagahan na ito nakita ng mga kasamahan nitong palutang lutang na.
Isinugod pa ito sa pagamutan subalit idineklara na itong dead on arrival.

Facebook Comments