COVID-19 testing, hindi dapat kinokontrol at sinosolo ng DOH

Sa nakikita ni Senator Panfilo “Ping” Lacson, masyadong inaako ng Department of Health (DOH) ang COVID-19 testing.

Ipinaliwanag ni Lacson, na hindi ito dapat kontrolin at i-centralize ng DOH na wala namang kapasidad o kakayahang magsagawa ng massive o malawakang COVID-19 testing.

Giit ni Lacson, kailangan ngayong bilisan ang mass testing upang mapigil ang patuloy na pagkalat ng virus habang unti-unti niluluwagan ang Enhanced Community Quaratine (ECQ) para makabalik na ang marami sa trabaho at maagapan ang ekonomiya.


Mungkahi ni Lacson sa DOH, padaliin ang mass testing sa pamamagitan ng pag-deputize sa mga private health practitioners at health workers at hayaang ding mag-ambag ang business sector.

Facebook Comments