Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na binawi ang COVID-19 testing kits na ginawa ng University of the Philippines Manila-National Institutes of Health (UP-NIH) dahil sa minor defect o maliit na problema.
Ayon kay DOH Undersecretary Rosario Vergeire, nadiskubre ang maliit na problema nang sumailalim ang mga testing kit sa validation ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Gayunman, tumanggi na si Vergeire na idetalye pa kung ano ang naging aberya sa UP testing kits.
Paliwanag ni Vergeire, ina-address na ng UP ang maliit na problemang ito.
Sa katunayan, nasa final stages na ang UP para itama ang kanilang testing kits at maaari na muling maipa-validate sa RITM sa susunod na linggo.
Naunang siniguro ni Vergeire sa publiko na may sapat na Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) ang Pilipinas at Rapid testing kits.
Nasa 7.9 porsyento ang positivity rate ng bansa para sa mga nasuri para sa COVID-19.