Mga Pilipino sa abroad na infected din ng virus, pumalo na halos sa 2,500

Naitala naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 24 panibagong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipino sa abroad.

Dahil dito, pumalo na sa 2,455 Pinoy ang nainfect ng virus mula sa 46 na mga bansa at rehiyon.

1,313 rito ang ginagamot sa iba’t ibang ospital habang 858 ang mga gumaling na.


Sa kabila nito, umabot na sa 284 Pinoy sa abroad ang nasawi dahil sa COVID-19.

Facebook Comments