Nanawagan ang isang labor group sa gobyerno na gawing libre ang COVID-19 testing ng mga manggagawa.
Kasunod ito ng polisiyang ipinapatupad ngayon ng mga employer kung saan obligadong sumalang sa testing isang beses kada dalawang linggo ang mga on-site workers na hindi pa bakunado at ayaw magpabakuna.
Ayon kay ALU-TUCP spokeperson Alan Tanjusay, 90% hanggang 95% ng sahod ng mga manggagawa ang mapupunta na lang sa COVID-19 testing.
Hindi rin naman kasi aniya tinatanggap ng mga employer ang Antigen test nang walang medical certificate mula sa health facility kung saan sila nagpa-test.
Giit niya, napakalaking pasanin nito lalo na sa mga minimum wage earner.
Facebook Comments