Mga batang uuwi sa NCR mula sa probinsya, bawal din sa mga public transport

2481

Hindi rin papayagang makasakay sa mga pampublikong sasakyan ang mga batang uuwi sa Metro Manila matapos na magbakasyon sa kanilang mga probinsya nitong holiday season.

Ito ang nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) kasunod ng pagsasailalim sa NCR sa Alert Level 3 simula kahapon.

Ayon kay DOTr Usec. Artemio “Ochie” Tuazon, maaabala lamang ang mga pasahero kung magsasama sila ng mga bata.


Aniya, mainam kung hihintayin na lamang na maibaba ulit ang Alert Level sa NCR.

Samantala, una nang nilinaw ng DOTr na mananatili sa 70% ang capacity sa mga pampublikong sasakyan kahit pa nakasailalim tayo sa Alert Level 3.

Ito ay upang maiwasan ang pagsisiksikan ng mga pasahero sa mga terminal at istasyon na posibleng pagmulan ng hawaan ng virus.



Facebook Comments