COVID-19 testing ng PNP, sinimulan ngayong araw

Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang COVID-19 testing ng mga pulis na persons under investigation (PUIs) at persons under monitoring (PUMs) ngayong araw na ito sa Camp Crame.

Ayon kay Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan, PNP Deputy Chief for Administration at chairman ng bagong tatag na Admin Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF), inutos na raw ni PNP Chief General Archie Francisco Gamboa ang pagtatayo ng walong booth sa Multi-Purpose Center ng Camp Crame para sa COVID-19 testing.

Maliban sa pagtatayo ng mga testing booth, plano rin ng PNP-ASCOTF na gawin quarantine area ang multi-level parking area sa harapan ng grandstand ng Camp Crame.


Aniya, ang first floor ng parking building ay kanilang ilalaan para sa mga pulis na person under monitoring (PUMs) na asymptomatic o walang karamdaman, ang second floor ay para sa mga mild PUMs, habang ang third floor ay para sa less severe PUIs o yung mga may mga hindi nakakaranas ng malalang karamdaman.

Matatandaang unang ginawang quarantine area ng mga pulis na PUIs at PUMs sa Kiangan center sa Camp Crame.

Sa ngayon, dalawang pulis na ang namatay sa COVID-19 sa 14 na pulis na nagpositibo sa sakit, 283 ang kinokonsiderang PUIs, at 1,676 naman ang PUMs.

Facebook Comments