Field offices ng BI, isasara ngayong Semana Santa para sa disinfection

53

Sasamantalahin ng Bureau of Immigration (BI) ang Semana Santa para mag-disinfect sa kanilang field offices sa mga lalawigan.


Bunga nito, isususpinde ng BI ang maliliit nilang field offices sa mga probinsya ngayong Holy Week. Layon nito na maprotektahan ang BI personnel laban sa COVID-19.

Nilinaw naman ng BI na ang kanilang field offices malapit sa international airports, maging ang kanilang main office sa Intramuros, Maynila ay mananatiling bukas para sa mga urgent na pangangailangan.

Babalik naman ang regular operations ng BI sa April 13.

Facebook Comments