COVID-19 testing sa Pasig City, bawal na ang walk-in

44

Inihayag ni Pasig Mayor Vico Sotto na ipinagbabawal na ang walk-in sa magpapa-test para sa COVID-19.

Aniya, bago pumunta, tumawag muna at mag-reserve ng slot sa Testing Hotlines na 0928-291-1716 o 0928-291-1717.

Bukas aniya ang kanilang hotline mula alas-9:00 ng umaga hanggang als-4:00 ng hapon.

Layunin nito na hindi dagsain ng tao ang kanilang testing site, dahil meron lang 300 slots ang kanilang tatanggapin araw-araw.

Maliban dito ay inaayos na rin ngayon ang online registration para mas madali ang pagpa-schedule sa nais magpa-test kontra COVID-19.

Kung magiging maayos ito anya, itutuloy ito araw-araw. Pero kung dagsain ng mga walang reservation at mawalan ng social distancing, baka makansela ang proyekto.

Nilinaw naman ng alkalde na ang nasabing testing ay iba sa testing ng close contacts at sa may mga sintomas ay maaari ring tumawag sa OpCen hotline o sa health center.




Facebook Comments