COVID-19 testing sa Pilipinas, humigit dalawang milyon na, ayon kay Dizon

Nalagpasan na ng Pilipinas ang target nito kung saan umabot na sa higit dalawang milyon ang kabuuang COVID-19 testing sa bansa nitong kalagitnaan ng Agosto.

Nabatid na umabot lamang sa 20,000 katao ang nate-test noong Marso.

Ayon kay Testing Czar, Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President Vince Dizon, ang pinaigting na testing sa resulta ng pinagsama-samang kooperasyon ng iba’t ibang ahensya.


Aniya, nagawang maabot ang dalawang milyong test bago ang katapusan ng buwan.

Iginiit ni Dizon na kulang pa rin ito at kailangan pang maitaas ang testing capacity.

Sa ngayon, aabot sa 109 laboratories sa buong bansa ang nabigyan ng lisensya para makapagsagawa ng COVID-19 testing.

Facebook Comments