Gyms at internet cafes, muling ipinagbawal sa ilalim ng GCQ

Muling ipinagbawal ng pamahalaan ang pagbubukas ng gyms at internet cafes sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang desisyon ay ginawa bago ibinalik ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) noong August 4.

Pinagbigyan nila ang hiling ng medical community na huwag munang buksan ang mga non-essential industries.


Pinalilinaw na nila ito sa Department of Trade and Industry (DTI).

Noong July 28, pinayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang partial opening ng mga gyms at internet cafes sa ilalim ng GCQ areas simula noong August 1.

Facebook Comments