COVID-19 trend, pababa na kahit inilagay ang Metro Manila sa ‘heightened’ MECQ

Tiwala ang OCTA Research Group na pababa na ang COVID-19 trend sa Metro Manila.

Ito ay kahit pa inilagay na sa ‘heightened’ Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila, epektibo, bukas, Agosto 21.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David na mahigpit pa rin naman ang iiral na quarantine restriction kahit ibinaba na sa MECQ ang National Capital Region (NCR).


Sa pagtataya ng OCTA, mula sa 1.86 na R-naught noong isang linggo ay bumaba na sa 1.69 ang COVID-19 reproduction number ngayon linggo habang may pagbaba na rin sa positivity rate at Average Daily Attack Rate (ADAR).

Pero sa kabila nito, nagbabala si David na dapat ding pagtuunan ng pansin ang mataas na kaso sa mga kalapit na probinsya dahil posibleng magka-apekto ito sa NCR.

Facebook Comments