Naniniwala ang OCTA Research team na posibleng noon pa kumalat sa bansa ang bagong variant ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research team, hindi lang ito agad na-detect dahil wala pang ginawang genome sequencing sa bansa noong nakaraang buwan.
Posible aniyang ang UK variant ang dahilan ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) nitong Disyembre.
Sinabi naman ni Prof. Ranjit Rye na pinag-aaralan na nila sa OCTA kung 0.5 ang madadagdag sa reproduction rate sa bansa ng UK variant batay na rin sa pag-aaral ng ibang bansang hindi istrikto sa health protocol.
Giit ng grupo, mahalagang makontrol ang hawaan dahil oras na lumobo ang bilang ng kaso sa bansa, mapupuno ang mga ospital at mapapgod an gating mga health workers.
Sa ngayon, base sa datus ng Department of Health (DOH) nasa 35 percent ang bed occupancy sa mga ospital.