Naapektuhan ng Bagyong Kiko at Jolina ang COVID-19 vaccination program ng 71 munisipalidad sa bansa.
Ayon sa Dr. Kezia Rosario, representative ng National Vaccination Operation Center (NVOC), 19 sa mga munisipalidad ay nagmula sa Bicol Region.
Sa region 8 o Eastern Visayas, nasa 49 munisipalidad naman ang natigil sa pagbabakuna na naganap noong September 7 dahil sa Bagyong Jolina.
Tatlong lugar naman sa Cagayan valley ang natigil sa pagbabakuna dulot ng Typhoon Kiko.
Samantala, bagama’t wala pang datos sa Batanes kaugnay sa pagbabakuna at tiniyak ni Rosario na sapat ang bakuna sa lugar na nasa pangangalaga ng mga provincial health offices.
Facebook Comments