COVID-19 vaccination program sa Maynila, kanselado

Kinansela muna ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang isinasagawa nilang pagbabakuna kontra COVID-19.

Ito’y dahil sa nararanasang pag-ulan bunsod ng Bagyong Florita.

Matatandaan na sa ilalim ng Executive Order No. 29, idineklara ni Mayor Honey-Lacuna na kanselado ang pasok sa pampubliko at pribadong paaralan sa Maynila ngayong araw gayundin sa mga opisina at tanggapan ng gobyerno.


Ang mga pribadong kumpaniya naman ay nasa desisyon na ng kanilang management kung papasukin o hindi.

Pero ang mga tanggapan ng pamahalaan na nagbibigay ng mga basic at health service ay hindi kasama sa inulanas na E.O. 29.

Isa sa mga dahilan kung bakit kinansela ang pagbabakuna ay upang maging ligtas ang lahat ng residente at hinihimok na lamang sila ng Manila Local Government Unit (LGU) na manatili sa kanilang tahanan kasabay ng pagmomonitor sa sitwasyon sa Bagyong Florita.

Magbabalik naman ang schedule ng pagbabakuna bukas, August 25, 2022.

Facebook Comments