Isang lalaki, arestado sa panggagahasa sa Maynila

Nadakip ng mga tauhan ng MPD-Smart o Manila Police District – Special Mayors Reaction Team ang isang lalaki na nahaharap sa kasong panggagahasa.

Ang suspek ay kinilalang si Ibarra Illescas, 45-anyos, isang technician at residente ng Yuseco Street, Brgy. 150 sa Tondo, Manila.

Nasakote ang suspek habang nasa kaniyang trabaho sa Winford Manila Resort and Casino sa may bahagi ng Consuelo Street sa Sta. Cruz, Manila.


Sa kwento ng biktimang itinago sa pangalang Shane, 18-anyos, isang Grade-12 student, nangyari ang panggagahsa sa kaniya sa Gagalangin, Tondo noong August 22, 2022.

Tinakot siya ng suspek na masasaktan kung hindi papayag kung saan matapos ang insidente ay pinatakas naman ang biktima.

Agad na nagsumbong sa kaniyang nanay ang biktima at kapwa nagtungo sa tanggapan ng MPD Smart para ipaaresto ang suspek na todo tanggi naman sa paratang.

Facebook Comments