COVID-19 vaccination, required na sa mga mag-aaral na papasok sa eskwelahan sa California

Idinagdag na ang COVID-19 vaccination sa listahan ng mga immunization na kinakailangang ipasa ng mga mag-aaral sa California bago makadalo sa in-person school attendance.

Ayon kay California Governor Gavin Newsom, sila ang kauna-unahang estado sa Estados Unidos na nagpatupad ng ganitong alituntunin.

Gagawin ito sa grade groups na 7 hanggang 12 at K-6.


Epektibo ang kautusan matapos makakuha ng full approval sa Food and Drug Administration ng US na posibleng mag-umpisa sa January 1 o July 1.

Facebook Comments