Uumpisahan sa Mayo o Hunyo ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 sa A4 priority group.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon, hindi tiyak ang pagdating ng vaccine supply pero ang best case scenario ay posibleng mangyari ang immunization sa Mayo.
Batay sa vaccine prioritization list ng pamahalaan, ang A4 ay ang mga manggagawa sa commuter transport, frontline government workers, public at private wet at dry market vendors.
Kasama rin sa grupo ang mga manggagawa sa food, beverage, medical at pharmaceutical products, food retail at food service delivery.
Kabilang din dito ang financial frontline workers, teaching personnel sa medical at allied medical courses, at mga laboratory personnel.
Ang mga hotel at accommodation workers, mga pari, pastor at religious leaders ay kasama rin sa A4 group.
Ang mga construction workers ng government infrastructure projects ay kasama rin sa priority group, maging ang mga security personnel at Overseas Filipino Workers (OFWs).
Hinihikayat ng NEDA ang mga establishments, agencies at organizations na ipasa ang impormasyon ng kanilang mga manggagawa sa vaccine deployment acitivites at iba pang procedures sa kanilang local government units (LGUs).