COVID-19 vaccination sa mga batang edad 11 pababa, posibleng masimulan sa 2022

Ikinokonsidera ng Department of Health (DOH) na palawigin pa ang pediatric COVID-19 vaccination sa mga batang edad lima hanggang 11.

Ito ay matapos aprubahan ng United State Centers for Disease Control and Prevention ang pagtuturok ng Pfizer vaccine sa mga edad lima hanggang 11.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, pinag-aaralan na ng Health Technology Assessment Council ang rekomendasyong ito gayundin ang mga bakunang maaaring ibibigay sa mga edad 12 pababa.


Layon aniya ng pinalalawig na pediatric vaccination na mahimok ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak bilang paghahanda sa pagbabalik eskwela ng mga ito.

Facebook Comments