COVID-19 vaccination sa mga kabataan, nakadepende sa supply ng bakuna – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na nakadepende ang pediatric at adolescent vaccination sa magiging supply ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Ito ay matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang inamyendahang Emergency Use Authorization (EUA) ng Pfizer-BioNTech para maisama ang mga edad 12 hanggang 15-anyos sa mga maaaring maturukan ng bakuna.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, welcome sa kanila na mabakunahan na ang mga menor de edad pero sa ngayon, susundin pa rin nila na i-prayoridad ang mga sektor sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan dahil sa limitadong supply ng bakuna.


Aniya, ginagawa naman ng vaccine cluster ang lahat para makakuha pa ng mga bakuna ang bansa na ibibigay ng libre sa mga kwalipikadong sektor.

Facebook Comments