Posibleng simulan na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa bansa sa Marso sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III matapos ang isinagawa nilang scenario analysis ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr.
Ayon kay Duque, best case scenario na kung magsisimula ang COVID-19 vaccination sa katapusan ng unang quarter o sa pagpasok ng ikalawang kwarter ng 2021.
Ipinunto ni Duque na marami silang mga bagay na ikinonsidera para makapaglatag ng schedule para sa aktwal na distribusyon, deployment at inoculation sa mga prayoridad na mabigyan ng bakuna.
Sa ngayon ay sinisilip na aniya ang pamahalaan ang pagbuo ng portfolio para sa iba’t ibang bakuna na naka-depende sa availability at evaluation ng mga eksperto.
Facebook Comments