Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang Manila COVID-19 Vaccine Action Center (MCVAC).
Ayon kay Manila City Health Office Chief Dr. Arnold Pangan, dito ay maaaring tumawag ang mga residente na nais magparehistro para makatanggap ng bakuna o may mga katanungan tungkol sa COVID-19 vaccine.
Kabilang sa mga numero na maaaring tawagan ay sa: 0927-351-0849, 0915-703-0621, 0968-572-1975 o 0961-020-2655.
Ayon kay Pangan, ang pagbuo sa action center na ito ay bilang bahagi ng paghahanda ng Manila LGU sa nalalapit na implementasyon ng vaccination program ng gobyerno.
Una rito, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na 18 vaccination sites ang kanilang ilalagay sa oras na nagsimula na ang programa kung saan target makapagbakuna ng 1,000 indibidwal kada araw.