COVID-19 vaccine awareness at registration ng pamahalaang lungsod ng San Juan, nagpapatuloy

18

Muling umarangkada ang COVID-19 vaccine awareness at registration program ng pamahalaang lungsod ng San Juan ngayong araw.

Ayon kay Mayor Francisco Zamora, pasado alas-8:00 ng umaga nang mag-umpisang umikot ang mga tauhan ng San Juan City Government sa Barangay Salapan upang magbigay ng tamang kaalaman ukol sa bakuna laban sa COVID-19.


Tatagal aniya ang kanilang pagbabahay-bahay hanggang alas-4:00 ng hapon ngayong araw.

Maliban dito, pwede na rin aniya magparehistro ang mga taga-barangay na hindi pa nakakapagparehistro online.

Kailangan lang aniya ihanda ang kanilang government-issued ID at ang kanilang PhilHealth number, para sa mga miyembro ng PhilHealth.

Noong Pebrero 9 ngayong taon nang simulan ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan kanilang COVID-19 vaccine awareness program.




Facebook Comments