COVID-19 vaccine, hindi pa pwede sa mga bata – WHO

Kailangan pang maghintay nang matagal ng mga bata bago sila mabakunahan laban sa coronavirus hanggang sa mapatunayang ligtas at epektibo ito.

Ayon kay World Health Organization (WHO) Country Representative Rabindra Abeyasinghe, hindi pa magagarantiya kung ligtas sa mga may edad 16-anyos pababa ang COVID-19 vaccines.

Ang clearance lamang na mayroon ngayon ay paggamit ng bakuna sa 16-anyos pataas.


Hindi iprinayoridad ng vaccine developers ang mga bata sa clinical trials dahil sa ‘low risk’ ng sakit sa kanila at dahil din sa critical imports.

Sinabi ni Abeyasinghe, nagsasagawa na ng pag-aaral para sa posibleng epekto ng COVID-19 sa mga bata.

Nakikipagtulungan sila sa vaccine manufacturers, academe at research partners.

Samantala, iminungkahi ng WHO official na magsagawa ng bagong survey sa hinggil sa kung gusto ng mga Pilipino ang mabakunahan laban sa viral disease.

Facebook Comments