COVID-19 vaccine, hiniling na paglaanan na ng gobyerno habang maaga pa

Kinalampag ni BHW Partylist Representative Angelica Natasha Co ang pamahalaan na umpisahan na ang paglalaan ng suplay ng bakuna laban sa COVID-19.

Giit ng lady solon, hindi dapat mapag-iwanan ang Pilipinas matapos na ilang bansa tulad ng Estados Unidos at mga bansa sa Europa ang nagpareserba ng mga order para sa COVID-19 vaccine mula sa mga malalaking pharmaceutical companies sa buong mundo.

Upang magkaroon ng sapat na suplay ng bakuna ang bansa, inirekomenda ni Co na magkaroon ng malaking investment mula sa gobyerno o sa pribadong sektor kahit sa locally produced vaccines.


Naniniwala ang kongresista na sapat ito para mabakunahan ng anti-COVID-19 ang nasa mahigit 100 milyong mga Pilipino.

Kasunod nito, ay hinahanapan ng mambabatas ng pondo para sa National Vaccination Plan (NVP) ang pamahalaan at pinatitiyak na magiging bukas at transparent ang bidding para sa contract supply ng mga COVID-19 vaccine.

Facebook Comments