Nakatakdang ipresinta ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang COVID-19 vaccine implementation plan ng ahensya.
Ayong kay DOH Usec. Eric Domingo, target nilang maipresinta ang plano ngayong linggo o sa susunod na linggo.
Araw-araw rin aniyang nagpupulong ang DOH at Department of Science and Technology (DOST) para sa pagtatayo ng cold chain facilities kung saan ilalagay ang mga bakuna.
Paliwanag ni Domingo, malawak ang magiging operasyon lalo’t 20 milyon hanggang 10 milyong Pilipino ang target na mabakunahan ng gobyerno.
Sa ngayon, may tatlong potential COVID-19 vaccine products na ang nakatakdang sumailalim sa clinical trials sa bansa: Sputnik V, Sinovac at Janssen.
Sa loob ng isa hanggang dalawang linggo, maglalabas ng desisyon ang Food Drugs Administration (FDA) kaugnay ng naging evaluation nito sa Sinovac na una nang nag-apply sa kagawaran para magsagawa ng clinical trials sa Pilipinas.