COVID-19 vaccine, ipapamahagi lang kapag may Certificate of Analysis na – FDA

45

Nagpaalala ang Food and Drug Administration (FDA) sa Department of Health (DOH) na ipamigay lamang ang COVID-19 vaccines sa Local Government Units (LGUs) oras na ma-secure ang Certificate of Analysis at na-clear na.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, hindi maaaring gamitin ang mga bakuna hangga’t hindi lumalabas ang Certificate of Analysis na nagpapakita na ligtas ang mga bakuna.


Aniya, hindi maaaring iturok ang COVID-19 vaccine na walang Certificate of Analysis dahil lahat ng mga ito ay nasa ilalim pa lamang ng Emergency Use Authorization (EUA) at nasa phase 4 clinical trial pa lang.

Una nang sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na kadalasang nahuhuli nang isang linggo ang Certificate of Analysis mula sa mga manufacturer ng bakuna.

Facebook Comments